Archive for February, 2006

<3

Monday, February 20th, 2006

Dodong Gwapo’s Valentine Poem

itabi muna ang gold na isang kaha
ngayong araw, ang yosi ko’y pula
‘wag muna grande espresso ang kape
ngayong araw, ang starbucks ko’y strawberry
pagsapit ng gabi, ‘wag uminom ng cerveza
ang pampainit ng katawan ay vinong pula

ang babasahin ko’y hindi aklat ng batas
kundi kwento ng pag-ibig na wagas
pakikingan ko’y hindi musikang metal
kundi harmoniya ng awiting sentimental
ang ulam ko ay hindi inihaw o prito
kundi lutuing may sarsang kulay dugo

happy valentine’s day sa sarili ko

susugurin ko ang iyong hardin
luluhod sa lupa’t rosas mo’y amuyin
ang bango nito’y aking lalanghapin
hanggang sa tumuyo ang hamog na iniwan ng gabing
madilim

sa mga agujetas nito’y ang aking labi dadampi
kampupot man o hindi, sa halik ko, rosas mo’y ngingiti
bubuka sa haplos ng malambot kong labi
ang mapulang rosas mo, pipitasin ko sa saliw ng
iyong matatamis na hikbi

happy valentine’s day, sa ‘yo, beybi!

puke ng ina mong saksakan ng pangit
ngayong katorse, ‘wag kang makulit
‘wag kang umangal na puso mo’y masakit
baka saksakan ko ang bunganga mo ng tsokolateng mapait

ayokong makarinig ng angal na wala kang natanggap na rosas
bwiset ka katorse pa lang ngayon at bukas pa ang kinsenas
at lahat ng bilihin ngayon ang presyo ay tumaas
sa isang bigkis ng rosas, pwede na ako maka-full tank ng gas

kaya yang puso mong umaalingasngas
dapat ay sa bako-bakong aspaltadong lansangan ay i-gasgas
at di sa isang bigkis ng rosas magpahimas
at iiwan akong ang bulsa’y butas

happy valentine’s day, my asss!

sige, magpa-uto kayong lahat
sa mga kapitalistang sa pera nyo’y nakadilat
sa mga operator ng motel na walang tubig na hot
na may mga ipis na pakalat-kalat
na ang aircon ay kasing-init ng lagnat
pero dinadayo n’yo pa rin, mga barat

sige, magpa-uto kayong lahat
sa mga operator ng mga restoran
na ang ilaw ay isang kandila sa kadiliman
na sinadyang maging ganyan
para hindi n’yo masilayan
ang taghiyawat ng iyong kasintahan
ang basong di masyadong nahugasan
at ang mantel na namantsahan

sige, magpa-uto kayong lahat
sa tindera ng mga bulaklak
na sa pagpapakaloko nyo’y nagagalak
na ang tubo sa paninda’y halos sampung tupi ang patak
na sa simpleng ribbon ang tubo ay tumpak-tumpak
na sa isang maliit na card na sa mga rosas ay sinalpak
prinesyuhan ka nang sa wari mo ito’y pilak

sige, magpa-uto kayong lahat
sa mga producer ng pelikula tungkol sa pag-ibig
na ginawa para kayong mga uto ay makabig
sa mga sinehang kinukulang na sa lamig
dahil nagsiksikan na kayong mga baliw sa pag-ibig
na ang mga puso’t labi’y nag-aapoy na madilig

sige, magpa-uto kayong lahat
sa mga mang-aawit na nagsisipag-konsyerto
ng mga awitin ng mga puso n’yong loko-loko
sa mga tanghalang iba-iba ang presyo ng bawat bangko
na ang naka-upo sa harapa’y mga burgis at mga elitistang tao
habang kayong mga hampaslupa, sa tugatog ay nakatayo
pilit na tinatanaw ang mang-aawit na sinlaki na lang ng palito

sige, magpakatanga kayong lahat
happy valentine’s day, burat!

bakit ko pinag-aaksayahan ng oras
ang mga usapin tungkol sa mga puso’t rosas
gayong di pa ako nakakalampas
sa bahaging dulo ng balangkas
ng aklat na ng aking mga mata’y binabagtas
na kailangan kong basahin hanggang wakas
dahil meron akong exam bukas

happy valentine’s day na lang sa inyo, fellas!