Archive for June, 2005

Eskapo

Tuesday, June 14th, 2005

Umupo si X sa gutter habang inaantay ang dilim. May dumaang jeep at muntik na siyang tamaan ng dura ng isang pasahero. Buti na lang mabilis ang reflex nya. Tangna wala talagang disiplina ang mga Pinoy, sabi nya sa sarili. Dudura kung saan nila gusto. Bad trip.

Eh kasi naman, ba’t ba siya naka-upo sa gutter? May mga waiting shed naman sa tabi, may upuan pa, ba’t sa gutter pa sa lahat ng lugar? Kaya naman maraming naaksidente. Kung banggain kaya siya ng isang gagong driver ng jeep? Maraming gagong drivers, lalo na ang mga taxi dirvers. Parang mga hari ng kalsada.

Pinoy si X eh. Wala ring disiplina. Eh sa masarap umupo sa gutter, ewan nya kung bakit. Pag nasa gutter siya, mas komportable siya. At kung anong nais nyang gawin, gagawin nya. Wala siyang paki-alam. Gaya nung pasaherong ginawa siyang target sa pag-dura. Buti nga naka-iwas siya.

Antagal ng dilim. Tumayo si X. Naiinip na siya.